SALAMAT 2008!

Ilang araw nalang patapos na pala ang 2008. Bigla ko tuloy naisip  na napakaraming nangyari sa taong ito  at “marami  rin pala akong dapat na ipagpasalamat”.

March 10, nang ikinasal kami ni chad sa Philippine Embassy Seoul. Naging witness namin ang ilan sa malalapit naming mga kaibigan mula sa AFC at ng Galilea Staff sa pangunguna ni Fr. Noel. Wala man doon ang aming mga pamilya ay masaya parin kami dahil ramdan parin namin ang kanilang suporta. Nang panahon ding ito ay apat at kalahating buwan akong buntis sa aming bunso.

July 21, isa na namang biyaya ang aming natanggap nang isilang ko si Allec ang bunso naming anak. Dahil dito mas tumibay pa ang pagmamahalan naming mag asawa at mas lalo pa kaming na-inspired para sa future ng dalawa naming anak.

Ngunit sa kabila ng lahat hindi laging kasiyahan ang nangyayari. dumating ang mga pagsubok. Ilang araw bago ang binyag ni allec, habang naglalakad si chad para bumili ng ink na gagamitin sa souveneir ay hinabol sya ng mga immigration. Akala namin ito na ang katapusan namin dito sa korea. Masuwerte pa rin kami at nalusutan nya ang mga ito

November  nang mapasailalim si arvie sa isang operasyon ang panganay naming anak. Ito na siguro ang pinakamahirap na pakiramdam para sa isang ina. Ang alam kong ito ang sandali na kailangan ako ng aking anak ngunit dahil sa malayo kami ay wala kaming magawa kundi ang magdasal. Laking pasasalamat narin namin dahil naroon ang aking hipag na nag-aalaga at umaalalay sa kanya. Salamat at naging matagumpay ang lahat. Ilang lingo pagkatapos, ay mabilis ding naghilom ang kanyang sugat.

Ilan lamang ito sa mga magandang nangyari ngayong 2008. Salamat sa pagkakaroon ng isang mabuting asawa na magiging kaagapay ko hanggang sa aking pagtanda, sa pagkakaroon ng malulusog na anak na aming inspirasyon sa paglaban sa hamon ng buhay, sa aking pamilya sa kanilang pagmamahal at suporta gayundin sa aming mga kaibigan na laging handang tumulong at dumamay. Higit sa lahat “SALAMAT” panginoon sa bawat biyayang aming natatanggap. “May pangit man o magandang nangyari, maliit man o malaki ang aming inani lubos ko itong pinasasalamatan sa Iyo. Tunay nga namang “mabuti ang panginoon sa lahat ng oras”.

Nawa’y mas higit pang kaligtasan, kasiyahan, kasaganaan  at pagmamahalan ang dumating sa amin sa pagbukas at pagtatapos ng taong 2009 at sa mga susunod pang taon.

At sa inyong lahat…

MALIGAYANG PASKO PO AT MASAGANANG BAGONG TAON!



Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.