yAmAn k0…

                 YAMAN KO

by: evhie francisco  ( this is for you ney and to our son…love you both!)

Buhay koy nag-iba mula ng ika’y makilala

Tunay mong hangarin sa akin ay pinakita

Sa iyong pagtyatyaga ako’y napahanga

Sabi ko sa sarili ko ” siguro ay ikaw na nga”.

Labis na kaligayahan ang ating nadama

Pagmamahalan natin ay nagkaroon ng bunga

Mga pangarap natin ay natupad na

Pagkat tayo ngayo’y isa ng pamilya.

Anumang pagsubok ay aking haharapin

Anumang hirap ay aking kakayanin

Para sa inyo walang di kayang gawin

Bastat kasama kayo’y sapat na sakin.

Ikaw at si Arvie ang tanging yaman ko

Na di ipagpapalit anumang yaman sa mundo

Kayo ang lakas at kahinaan ko

Kapag nawala kayo’y wala na rin ako.



One Response to “yAmAn k0…”

  1.   sAk Says:

    hhmm the other side of you.. galing mo pa lang magtula ah? 5 star for you dongseng.. love is in the air!

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.