Ak0 aNg iy0nG kaAGapAy…

  •  ( im just inspired. i dedicated this poem to my mom. the best mom i’ve ever known. i owe my life to you. ilove you so much!!!)
  • Mapalad akong ikaw ang Ina ko
  • Mga maling gawi ko’y iyong winawasto
  • Sa kagandahang asal ako ay natuto
  • Lahat ng ginawa mo’y para sa kabutihan ko.
  • Mga paghihirap mo’y aking nasaksihan
  • Mag-isa ka noon at walang inaasahan
  • Mga sulirani’y ikaw lang ang pumapasan
  • Pagkat si ama noo’y di mo alam kung nasaan.
  • Tayo ay nasadlak sa kahirapan
  • Sa ibang tahanan ikaw ay nanilbihan
  • Pagod sa maghapon ay di mo inaalintana
  • Bastat sa hapag kaina’y mayroon lang ihahanda.
  • Mga pangaral mo ay aking tatandaan
  • ” Mga likong landas ay huwag mong dadaanan
  • Kung mangyari at magkagayon man
  • Pagtawag sa Diyos ay ‘wag mong kalilimutan.”
  • Bagaman ako’y may pamilya na rin
  • Pagtulong sa inyo’y patuloy kong gagawin
  • Yan ang pangako ko na aking tutuparin
  • Pagkat kayo’y di ko magagawang limutin.
  • Salamat sa buhay na iyong binigay
  • Pagmamahal mo sa amin ay walang kapantay
  • Kaya aking Inay ‘wag kang malulumbay
  • Sa pag tanda mo ako ang iyong Kaagapay.


One Response to “Ak0 aNg iy0nG kaAGapAy…”

  1.   Billy Says:

    Pwedeeeeeee! AYAN NA…. uso na ang tula ngayon at naglalabasan na rin ang mga makata. Etivacers yan eh. hahaha

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.