ako’y isang ina
”Ang pagdating ni ARVIE sa buhay naming mag-asawa ang pinakamasaya at napakagandang regalo na natanggap namin mula sa diyos at wala na yatang hihigit pa doon. “
09 february 2007 10:06 am when i gave birth to our son ARVIE JANSSEN FRANCISCO..
It was 9 in the evening when i started to feel slight pain on my belly. I thought it was just a natural feeling due to my pregnancy. It was 3 o’clock in the morning when i woke up with blood on my bed. Ginising ko ang aking asawa and told him what i found out.We prepared and packed our things we need and immediately we decided to run to the nearest hospital . The doctor said that my membrane had already ruptured and i will be delivering within 12 to 24 hours. Magkahalong saya at pangamba ang naramdaman namin ni richard that day dahil kulang sa buwan na lalabas ang baby namin. Pinagdasal nalang namin na sanay maging safe kami ni baby. Alam naming malakas ang aming anak at lalaban sya. Pagsundok sa pader na ang ginagawa ko upang mapaglabanan ang sakit ngunit masakit talaga. Halos umikot ang puwet ko sa sakit ng tiyan pati nga ang ngalan ng nanay ko’y natawag ko na rin. Naroon si richard sa aking tabi at nagbabantay. kita ko sa mukha niya ang pagaalala habang akoy na le-labor. kulang na lang pati sya’y i dextrose dahil sa nanraramdamang nerbyos. (magiging tatay na kasi). Totoo pala talagang mahirap ang manganak sabi nga nila kalahati ng buhay nyong mag ina ay nasa panganib.
finally isa na akong sertipikadong ina! ang sarap ng feeling ng marinig ko ang unang pag iyak ni arvie nung nailabas ko na sya.

whoahhh…anak ko na yata ang pinaka gwapong baby na naroon sa nursery room. He’only weighs 2.2 kg. dahil sa premature one day din syang naincubator,52 kinds of test ang pinagdaanan nya at iba pa doon ang test para sa tenga. They said na malakas naman daw kumain si arvie by monday we could bring him home. Nagprepare na kami ng mga damit na gagamitin ni arvie nung makauwi kami ng sunday sa bahay. Were both excited na makakasama na namin ang aming anak. Kinabahan kami ng sabihin ng doktor na hindi pa daw sya pwedeng iuwi. Under observation sya dahil nagkaroon daw ng jaundice. JAUNDICE yellow baby kung tawagin. Hindi raw kasi compatible ang dugo namin ni richard kaya nagkaroon sya nito ( type A sya at O naman ako)… Umakyat kami sa nursery room upang makita si arvie. Si richard noo’y kausap ng isang nurse. Nagulat ako ng ilapit sa akin ng nurse ang isang baby na hindi ko inakalang anak ko dahil may balot ng benda ang mga mata ito. Awa ang naramdaman ko ng makita ko si arvie sa ganoong hitsura.. hindi ko na natagalang tumingin sa kanya kaya tumalikod nalang ako at di ko na napigilang umiyak….noon palang lalapit si richard ng tumalikod ako. Alam kong pinipigilan nalang din nya ang mapaiyak habang kinakausap ang aming anak. Nakakatuwa namang parang nakikipagusap din si arvie sa kanyang ama. Ngumingiti ito habang sinasabi ni Richard na “anak pagaling ka ha alam naming malakas ka at kaya mo yan!”.Wala kaming nagawa kundi ang maghintay nalang ng tawag mula sa hospital.Nagtitiwala nalang din kami sa kakayanan ng doktor na mapapagaling nila ang aming anak. Wed. ng makarecieve kami ng call from hospital at sinabing maiuuwi na namin sya.Parehas kaming napaiyak ni Richard noon sa sobrang kasiyahan dahil ok na daw si baby. 3 PM ng sinundo namin sya sa hospital. Finally naiuwi at makakasama na namin ang aming anak
3 weeks and one day din naming nakasama si arvie.napagkasunduan naming mag-asawa na mas makabubuting ipauwi namn si arvie sa pinas dahil doon ay mas maaalagaan syang mabuti habang kamiy nagtatrabaho dito sa korea. Bagaman mahirap sa kalooban ko bilang isang ina alam kong iyon na rin ang makabubuti
March 8 ng inihatid namin si arvie papuntang airport kasama ang kaibigan namin na maghahatid sa kanya sa pinas.. Madali namang naiayos ang kanyang papeles. Dumating ang oras na kailangan ko ng ibigay si arvie kay kuya jess..Pinilit kong tatagan ang sarili ko at pigilang hindi maiyak ng mga oras na iyon…Tanging paghalik at pagtitig nalang ang aking nagawa sa walang kamalaymalay kong anak na natutulog na kami’y kailangan munang magkahiwalay..hatid tanaw namin sila hanggang sa kanilang pagpasok hanggang sa hindi na namin sila makita…
noon ko lang naramdaman ang pagod at gutom habang kamiy papauwi na. Pakiramdam koy hindi ko kayang pumasok sa loob ng aming bahay. Pag pasok ng pinto “Hmm amoy baby” ang sabi ni richard. Noon ay gusto ko ng umiyak. Una ring hinanap ng aking mata ang kamang laging hinihigaan ni arvie. Naroon ang tuwalyang ginagamit kong sapin sa kanyang hinihigaan. Kunuha ko iyon at niyakap si richard noon ay nakahiga na at nanonood ng tv. Pagsarado ko ng pinto nakita ko rin sa likod nito ang damit na pighubaran ni arvie bago ko namin sya ihatid sa airport. Hindi ko talaga ito napigilang hindi kunin sabay amuyin sa parteng leeg nito. Amoy pinaglungaran ito ni arvie at dahil doon hindi ko na talaga napigilan ang mapaiyak….ahhhh sobrang namiss ko ang baby ko!.at kahit anong pagpipigil ko ay lalo lang tumutulo ang mga luha ko.(kahit na hnggng ngyn na ginagawa ko ang blogs na ito) akala ko’y kaya kong hindi maiyak ipakita sa tao lalo na sa asawa ko na ok lang ako pero hindi pala…
nang gabing iyon halos hindi ko magawang makatulog sa paghihintay ng tawag mula sa pinas. Salamat naman sa Diyos at naging safe naman ang biyahe nila at naihatid narin sya sa aking mga biyenan na naroon sa airport upang sumundo sa kanya. Iyon ang unang gabi kong hindi nakatabi si arvie sa pagtulog. Sobra ko talagang na mimiss si arvie at ang pag aalagang ginagawa ko sa kanya.
mahirap ang mawalay kay arvie ngunit akoy panatag dahil alam kong mas maaalagaan syang mabuti doon ng kanyang mga lolo at lola.
Alam kong maraming araw at gabi ang magdaraan na ako’y mangungulila sa kanya. mabait ang diyos at alam kong darating din ang araw na magkakasama rin kami ng aking anak bilang isang masaya at isang buong pamilya…
ngunit sa ngayon kailangan naming magsakripisyo at magtiis para sa narin kayang kinabukasan.









March 9th, 2007 at 5:12 pm
honestly,habang binabasa ko ang blog ng kapatid ko dko mapigilang umiyak,nanay n din kasi ako,Bagama’t wala ako s sitwasyon nya,pero alam ko ang nararamdaman nya ngaun.natatanong ko tuloy ang sarili ko bakit kailangan mangyari sa kapatid ko ito,pero nagpapasalamat na rin ako at ligtas ang pamangkin ko at nandito nasa pilipinas,,ang pinakamahirap sigurong sitwasyon ay ang iwalay sa tabi mo ang BINHI mo lalo na at milya ang layo mo..siguro ganito talaga ang nakatadhana para s kanya,ang MAKIPAGSAPALARAN,NAGTITIIS SA PANGUNGULILA sa ibang bansa para sa KINABUKASAN ng ANAK nya,at ng umaasang mga MAGULANG,AT KAPATID nya…alam kong mabait ang PANGINOON at darating ang araw na magkakasama sama silang buong PAMILYA at mamumuhay ng samasama……ang dating PINAPALO kong kapatid NANAY NA……naaalala ko nung maliliit p kmi…..naliligo s ilog,tinatawid ang ibayo at pagdating ng nanay nmin galing sa maghapong paglalabada at pamamalantsa ay pagagalitan kmi dahil ang damit nmin ay nangingitim sa lumot….wala pa naman kaming sabon,dahil hinahati ng nanay nmin ang bareta ng champion na sabon para makatipid,ahhhhh…ang nanay namin….kaya cguro lumaki kmi ng marunong sa buhay………ngaun ay may mga SARILING PAMILYA na at mga MAGULANG NA….HAY NAKU BUHAY!!mga IPINANGANAK NA SALAT ……
March 19th, 2007 at 1:45 am
wla lng po i jst rmember bck wen i was in pinas ive heard 2 a prend ang kwen2 ng buhay at sistema mga imigranteng pinay nanganganak sa korea.Kapag nakapanganak na daw ay ipinapauwi nrin nla kaagad sa isang kaibigan ang bata para mas makapagtrabaho sila ng maayos.
Noon, nsabi ko sa sarili ko na “ano bng magulang iyon!hindi na naawa sa bata at bsta nlng ipapauwi sa isang kkila2?” .Mahirap pla tlgang magsalita ng patapos.ngyn ako na ang nasa gani2ng stwasyon.
i jst post dis comment dhl alam kong may mga taong katulad mo ang mapapadaan d2 sa magulo kong blogs.! maaring ang ilan ay maintidihan at maari ring ang karamihan ay hindi.it’s up to you kung maiintindihan mo ang mga katulad namin…at bahala kana rin kung maging katulad kita na nooy isang mapanghusga..napakadaling pong magbitiw ng salita dahl wala ka sa sitwasyon lalo na’t hindi mo alam ang buhay d2 sa korea. HIGIT pa doon kung ikaw ay hindi pa isang magulang.
iyon lng po at maraming salamat sa iyong pagbisita…mabuhay ka kabayan!
March 23rd, 2007 at 4:46 am
kaiyak nmn sis…mis ko 2loy c baby arvie….
anyway time will come magsasama sama din kau..
d pa man,im afraid if that time will come to me….
ang magka baby and ill have same situation w/ what had happened w/ u,no matter what im not afraid kc lam ko makakaya ko un just like u…
peroho ata tau…SURVIVOR ND A FIGHTER..
sa ngaun career-in mo muna ang friendster…
March 30th, 2007 at 4:41 am
ur so blessed having chad & rv in ur life. god has its own purposed, which i think u & chad can handle it. godspeed mypren..
June 26th, 2007 at 6:43 pm
hi evie.. im sure that everything youve’d gone thru will be paid off in time… just hang in there… Arvie is the luckiest son being you as his mother…Im sure all your hardwork and sacrifices will be rewarded..God Bless Evie!
bdw, i’ll link you @ my blogsite ha…
http://buhaymisisnikathy.blogspot.com